Home / Lifestyle / 1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Agusan del Sur

1 patay, 1 sugatan sa pamamaril sa Agusan del Sur

ROSARIO, Agusan del Sur – Patay ang isang minero habang sugatan naman ang anak nito nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa highway sakop ng Barangay Wasian, Sabado ng gabi.

Sakay ng multi-cab sina Merlito Perales, 50, at anak nitong si King Charley, 29, nang sila ay paputukan ng mga salaring magkaangkas sa isang motorsiklo sa may Purok 1.

Narekober sa crime scene ang ilang bala ng kalibre .45 na baril at magasin ng 9-mm na baril. Isasa-ilalaim sa ballistics exam ang mga nakuhang bala upang matunton ang may-ari nito sakaling rehistrado.

Wala pang matumbok na motibo ang mga pulis sa insidente lalo't 
wala naman umanong nakakaaway ang mag-ama.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*