Home / Lifestyle / 14 arestado sa ilegal na STL sa Cebu

14 arestado sa ilegal na STL sa Cebu

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Central Visayas ang 14 attendant ng mga ilegal na small town lottery (STL) outlet sa mga bayan ng Asturias at Tuburan sa Cebu kamakailan.

Ayon kay NBI- Region 7 Officer-in-charge Dominador Cimafranca, naaktuhan ng mga ahente ng NBI ang mga suspek na nangongolekta ng mga taya noong nakaraang Biyernes.

Nagsagawa ng malawakang operasyon ang ahensiya laban sa ilegal na sugal matapos ireklamo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang operasyon.

Ayon kay Cimafranca, labag sa batas ang kanilang negosyo dahil naaapektuhan nito ang kita ng mga awtorisadong STL outlet.

Ginagawang batayan ng mga ilegal na STL ang resulta ng Swertres ng PCSO.

Sabi ng isa sa mga nahuli, hindi niya alam na ilegal ang kaniyang pinasukan.

Halagang P350 ang bayad sa kanila araw-araw.

Inaalam na ng NBI kung sino ang nagpopondo sa mga ilegal na STL outlet.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*