Home / Lifestyle / 14 tiklo sa droga sa San Pablo City

14 tiklo sa droga sa San Pablo City

Labing-apat ang arestado nang maaktuhan umano habang gumagamit ng ilagal na droga sa magkabukod na buy-bust operation sa isang barangay sa San Pablo City sa Laguna.

Apat na lalaki ang nahuli ng San Pablo City Drug Enforcement Unit sa Barangay Santa Monica Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa mga pulis, ito'y kasunod ng mga natatanggap nilang reklamo sa text tungkol sa talamak umanong bentahan ng ilegal na droga sa lugar.

Arestado ang subject ng operasyon na si Ronron Ibe alyas "Tabaron" kasama ang tatlo nitong kabarkada na naaktuhan pa umano habang gumagamit ng shabu. Todo-sisi ang suspek na nakuhanan pa ng baril.

Sa kasunod na operasyon sa barangay, 10 iba pa ang naaresto matapos maaktuhan din umano habang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

"Follow-up na lang nila ito sa operation dahil may nagbigay ng tip nga na ito parang ginagawa nilang drug den," ayon kay Supt. Danilo Mendoza, hepe ng San Pablo City PNP.

Bukod sa baril na nakuha kay Ibe, nakumpiska rin sa kabuuan ang 12 sachet ng hinihinalang shabu, mga "tooter", maliit na timbangan, at samu't saring drug paraphernalia. 

Sasampahan ang mga nahuli ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*