Home / Lifestyle / 18 bahay sinira ng malakas na alon sa Oton, Iloilo

18 bahay sinira ng malakas na alon sa Oton, Iloilo

OTON, Iloilo – Aabot sa 18 bahay ang nasira dahil sa malakas na alon sa Barangay Cabanbanan sa bayang ito Linggo ng umaga.

Isa sa mga nasira ang bahay ni Elizabeth Bustillo. Ayon sa kanya, tumaas ang tubig Linggo ng umaga. Dahil sa malakas na hangin, humampas ang alon sa mga bahay na nasa pampang.

Pansamantalang tumutuloy sa isang chapel ang nasa 20 pamilyang apektado sa insidente.

Dagdag pa nila, hindi agad sila nakatanggap ng tulong mula sa lokal na pamahalaan.

Ayon naman kay Barangay Chairman Eduardo Erecre, bahagi na ng mga plano ng lokal na pamahalaan ang paglilipat sa mga pamilyang nakatira malapit sa dagat.

Nai-report na rin umano sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang insidente at inaasahan na nila ang tulong mula sa opisina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*