Home / Lifestyle / 2 anyos na bata patay sa dengue sa Laoag

2 anyos na bata patay sa dengue sa Laoag

Isang 2 anyos na batang lalaki ang nasawi dahil sa dengue sa Laoag City noong nakaraang linggo. 

Ayon sa ama ng biktima, namatay ang bunsong anak nitong Huwebes matapos siya dalhin sa ospital noong Oktubre 1.

May pulmonya din umano ang bata kaya nahirapan siyang labanan ang dengue.

“Bumaba resistensya ta’s sumabay pa dengue. [Ayun], nagkaroon ng dengue shock,” ani Dr. Eliezer Asuncion ng ospital kung saan dinala ang bata.

Pang-lima ang bata sa mga namatay dulot ng dengue sa Laoag. Ayon sa mga awtoridad, 370 na ang kaso ng nasabing sakit sa lungsod nitong taon. – Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*