Home / Lifestyle / 2 lalaki na nanloob sa computer shop sa QC, patay

2 lalaki na nanloob sa computer shop sa QC, patay

MAYNILA – Patay ang 2 hinihinalang kawatan sa engkuwentro laban sa mga pulis sa Barangay Nagkaisang Nayon, Quezon City Biyernes ng hatinggabi.

Wala pang pagkakakilanlan ang mga salarin.

Kuwento ng biktima, nanonood siya ng TV sa sala nang makarinig siya ng pagpukpok sa gate ng kaniyang computer shop. 

Pagsilip niya ay nakita niya na ninanakaw ng mga salarin ang flat screen TV, central processing unit (CPU), at isang tablet. 

Napansin din niya na may hawak na baril ang mga salarin kaya agad siyang humingi ng tulong.

Ayon kay Supt. Rossel Cejas, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Station 4, agad siyang nagpa-dispatch ng pulis sa lugar matapos matanggap ang tawag. 

Pagdating pa lang ng mga pulis ay agad na pinaputukan ng mga salarin ang mga ito. Nauwi ito sa engkuwentro na ikinamatay ng mga salarin.

Nakuha sa crime scene ang mga ninakaw na gamit at mga baril na ginamit ng mga salarin. – ulat nina Jeck Batallones at Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*