Home / Lifestyle / 2 patay sa aksidente sa Ilocos Norte

2 patay sa aksidente sa Ilocos Norte

PASUQUIN, Ilocos Norte – Dalawa ang patay matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang SUV sa national highway sa Barangay Pragata, Pasuquin, Ilocos Norte Miyerkoles ng umaga.

Galing Burgos, Isabela ang grupo at papunta sana sa Laoag City para sa isang convention.

Habang binabaybay nila ang national highway sa Barangay Pragata, nakaidlip ang umano driver hanggang sa nawalan ng kontrol at dumiretso sa maisan.

Kinilala ang driver na si Novelito Abaya. 

"Na-lost control ang manibela niya,' di niya namalayan napunta na sa maisan, nabangga muna ‘yung poste doon," ani Police Senior Master Sergeant Joey Aninag, imbestigador ng Pasuquin Police Station.

Nasawi sina Josephine Moises na treasurer ng Brgy. Cullalabo del Sur at Edmundo Maritillano treasurer ng Brgy. Bacnor West sa Burgos, Isabela.

"Natumba ‘yung sasakyan tapos mga biktima, mga pasahero, naipit," ani Aninag.

Gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng apat na kasama ng mga nasawi.

Tumanggi namang magpainterview ang driver ng SUV at ilang nakaligtas sa aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*