Home / Lifestyle / 20 toneladang asukal bumuhos sa gilid ng kalsada sa Negros Occidental

20 toneladang asukal bumuhos sa gilid ng kalsada sa Negros Occidental

SAGAY CITY – Nasa 20 toneladang asukal ang bumuhos sa gilid ng kalsada dito sa siyudad matapos tumagilid ang isang truck, Biyernes.

Maliit na sugat lamang ang tinamo ng driver na si Roldan Lawas sa insidente.

Ayon kay Lawas, namatay ang makina ng kaniyang truck habang bumabaybay sa isang papaakyat na bahagi ng daan kaya’t dumausdos pababa ang sasakyan na may kargang asukal.

Saad ni Lawas, inihulog na lamang niya sa gilid ng daan ang truck para hindi na ito makabangga ng ibang sasakyan. 

Handa ang may-ari ng truck na bayaran at ipagawa ang mga concrete barrier na nasira dahil sa insidente, sabi ng mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*