Home / Lifestyle / 3 hinihinalang holdaper, patay sa engkwentro sa Batangas

3 hinihinalang holdaper, patay sa engkwentro sa Batangas

BATANGAS- Patay ang tatlong hinihinalang holdaper matapos makaengkwentro ng mga tauhan ng Malvar PNP at Batangas Provincial Intelligence Branch sa Brgy. Luta Sur, Malvar, Batangas nitong Sabado ng madaling araw.

Ayon kay Col. Edwin Quilates, provincial director ng Batangas PNP, pasado hatinggabi nang holdapin ng apat na suspek na sakay ng motorsiklo ang isang gasolinahan sa Brgy. Bugtong, Lipa City.

Naglatag ng checkpoint ang mga pulis sa highway ng Malvar, pero nilampasan lamang ito ng mga suspek na sakay ng 2 motorsiklo.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa liblib na barangay kung saan naganap ang engkwentro.

Nakatakas ang lider ng grupo na si alyas Misi na isa rin umanong gun-for-hire at responsable umano sa pagpatay sa ABC president ng Lipa City na si Marlon Luansing noong nakaraang taon.

Sangkot umano ang grupo sa serye ng robbery-hold up sa Calamba at Batangas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*