Home / Lifestyle / 3 kasapi ng ‘Ipit Gang,’ arestado sa Pasay

3 kasapi ng ‘Ipit Gang,’ arestado sa Pasay

MANILA – Balik-kulungan ang tatlong lalaking sinasabing miyembro ng Ipit Gang matapos mambiktima ng pasahero ng bus sa EDSA Malibay, Pasay City, Huwebes ng gabi.

Kuwento ng biktimang si Hector Villegas Jr., nakatayo siya sa bus nang ipitin at siksikin ng tatlong lalaki.

Maya maya pa naramdaman niyang may isa pang lalaking kumakapa ng kaniyang cellphone sa bulsa at saka na dali-daling bumaba ng bus ang apat na lalaki.

Sinundan ni Villegas ang mga suspek at sa tulong ng mga pulis ay naabutan ang mga ito ngunit nakatakas ang isa sa mga kawatan.

Paliwanag ng mga naaresto na napagbintangan lang sila.

Napag-alamang dati nang nakulong ang mga suspek na miyembro rin ng "Sputnik Gang."

Nakuha sa kanila ang cellphone na na nagkakahalaga ng P16,000 at dalawang kitchen knife.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*