Home / Lifestyle / 32 OFW mula Qatar, nakauwi na sa Pilipinas

32 OFW mula Qatar, nakauwi na sa Pilipinas

MAYNILA—Nakauwi na ang 32 overseas Filipino workers mula sa nagsarang construction company sa Doha, Qatar nitong Sabado.

Dumating ang grupo sa NAIA Terminal 1 sakay ng Qatar Airways flight 928 at sinalubong ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration.

Kuwento ng mga lalaki, 4 na buwan sila umanong hindi pinasahod ng kompanya at nawalan ng pagkain sa tinitirahan bago malaman na isasara na ito. 

Nadismaya ang 32-anyos na si Mark Joseph Hermosa dahil unang beses pa lang niyang magtrabaho sa labas ng bansa. Wala umano tuloy siyang naipadala sa mga kaanak niya rito sa Pilipinas.

Humingi ng tulong ang mga trabahador sa embahada para makauwi. Ini-sponsor naman ng foundation ng pamahalaan ng Qatar ang pag-uwi nila.

Sinabi ng mga umuwi ay mayroon pa silang mga kasamahang naiwan sa Qatar.

Noong mga nakaraang buwan, umuwi rin ang ilang Pinoy na nagtrabaho para sa Advance Vision sa Kingdom of Saudi Arabia.

Balak ng mga trabahador ng Advance Vision na habulin ng danyos ang employment agency nila.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*