Home / Lifestyle / 4 patay sa aksidente sa Bataan

4 patay sa aksidente sa Bataan

Wasak na wasak ang pulang kotse matapos na sumalpok sa isang bahay sa Orani, Bataan. Apat ang nasawi habang isa naman ang nasa malubhang kalagayan. Larawan mula kay Barangay Chairman Marvin dela Cruz

ORANI, Bataan – Apat katao ang nasawi habang isa naman ang nasa malubhang kalagayan sa aksidenteng naganap sa kahabaan ng Gov. Pascual Road sa Barangay Tugatog sa nasabing bayan, Martes ng madaling araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Rogelio Santiago, 40; Aurelio Santiago Jr.; Raymond Tesaluna; at Juvy Torres.

Sugatan naman si Albert Torres.

Ayon sa pulisya, minamaneho ni Rogelio ang isang pulang Toyota Vios sakay ang apat na biktima nang sumalpok sa isang bahay sa palikong bahagi ng kalsada.

Agad na namatay si Rogelio, Aurelio at Raymond habang dead on arrival naman sa pagamutan si Juvy.

Papunta sanang ospital ang grupo para ihatid umano ang may sakit na si Aurelio nang maganap ang aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*