Home / Lifestyle / 5 patay sa sunog sa CDO

5 patay sa sunog sa CDO

Nilamon ng apoy ang dalawang palapag na bahay ng pamilya Cirillo sa Corrales Extension sa Cagayan de Oro City, Marso 10, 2018, kung saan lima, kabilang na ang tatlong menor de edad, ang nasawi. Rod Bolivar, ABS-CBN News

CAGAYAN DE ORO CITY – Lima katao ang nasawi sa sunog na sumiklab sa dalawang palapag na bahay sa Corrales Extension dito, madaling araw ng Sabado.

Tatlo umano sa limang nasawi ay mga menor de edad. Ang sunog na labi ng mga biktima ay natagpuan sa iba’t-ibang bahagi ng bahay. Isa dito ay nakita sa loob ng banyo.

Natutulog umano ang pamilya Cirillo na nagmamay-ari ng bahay nang sumiklab ang apoy pasado ala-1 ng madaling araw.

Pero agad na nilamon ng apoy ang buong kabahayan na gawa umano sa light materials.

Ayon sa kaanak ng mga biktima na si Eduardo Cirillo, wala umanong fire exit ang kanilang bahay at ang pinto sa harap ay nakakandado. Wala sa bahay si Eduardo nang maganap ang sunog.

Apat pang nakatira sa bahay ang nakaligtas sa sunog at dinala sa pagamutan.

Tinatayang aabot sa P100,000 ang danyos ng sunog.

Kasalukuyang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Bureau of Fire Protection upang matukoy ang sanhi ng sunog. — Ulat ni Rod Bolivar, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*