Home / Lifestyle / 6 na dati umanong miyembro ng NPA, binigyan ng puhunan ng gobyerno

6 na dati umanong miyembro ng NPA, binigyan ng puhunan ng gobyerno

Anim na dati umanong miyembro ng New People’s Army mula sa Oriental Mindoro ang nakatanggap ng P65,000 livelihood assistance at P15,000 monetary assistance mula sa lokal na pamahalaan.

Base sa isang joint memorandum circular sa pagitan ng Department of Interior and Local Government at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, magbibigay ang gobyerno ng tulong para sa mga tumiwalag na miyembro ng komunistang grupo.

Nakatanggap ng tulong pinansiyal ang anim na dati umanong miyembro ng New People’s Army na tumiwalag sa kilusan. Mula sa Philippine Army 2nd Infantry Division, 203rd Infantry Brigade
Nakatanggap ng tulong pinansiyal ang anim na dati umanong miyembro ng New People’s Army na tumiwalag sa kilusan. Mula sa Philippine Army 2nd Infantry Division, 203rd Infantry Brigade

Bukod sa livelihood at monetary assistance, sasailalim din ang 6 na dating miyembro ng NPA at ang kanilang mga pamilya sa ilang pagsasanay at technical support bilang dagdag ayuda. 

Nagpapatuloy ang kampanya ng gobyerno laban sa mga rebeldeng komunista. Umigting din ang mga bakbakan kamakailan matapos makansela ang usapang pangkapayapaan. 

Matatandaang ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosasyon sa pagitan ng gobyerno at mga rebelde dahil sa patuloy na mga pag-atake ng NPA laban sa mga sundalo at pulisya, kung saan may nadamay na ring mga sibilyan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*