Home / Lifestyle / 6 sundalo, patay sa engkuwentro sa Samar

6 sundalo, patay sa engkuwentro sa Samar

CALBIGA, Samar – Nalagasan ng 6 na sundalo ang tropa ng pamahalaan nang makaengkuwentro ang hanay ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Beri, Martes ng madaling araw.

Anim pang sundalo ang nasugatan sa sagupaan.

Ayon sa tagapagsalita ng 8th Infantry Division ng Philippine Army na si Capt. Reynaldo Aragones, nagsasagawa ng community support program sa naturang barangay ang militar nang mabatid ng tropa na may presensya ng mga rebelde sa lugar.

Inaalam pa ng militar ang bilang ng mga nakabakbakang rebelde.

Walang naitalang casualty sa panig ng mga rebelde.

Nababahala ngayon ang militar na ang sunod-sunod na pag-atake ng mga rebelde ay magkakaroon ng malaking dagok hindi lang sa kapayapaan, kundi maging sa umuusbong na turismo ng Samar.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*