Home / Lifestyle / Aabot sa P680-K halaga ng shabu, nasabat mula sa jeepney driver sa QC

Aabot sa P680-K halaga ng shabu, nasabat mula sa jeepney driver sa QC

MAYNILA—Timbog ang isang jeepney driver matapos mahulihan ng aabot sa P680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Quezon City nitong Sabado.

Hawak na ngayon ng PDEA-NCR ang 44-anyos na suspek na residente ng Balut, Tondo.

Ayon kay PDEA agent Leverette Lopez, ikinasa ang buy-bust operation na humantong sa pag-aresto sa suspek, sa isang gasolinahan sa E. Rodriguez Ave., sa Barangay Kristong Hari.

Nasabat mula sa suspek ang kontrabando na may bigat na 100 gramo, bukod sa mga cellphone at pera. 

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.

—Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*