Home / Business / ALAMIN: Mga industriyang may maraming job vacancies

ALAMIN: Mga industriyang may maraming job vacancies

Nangunguna pa rin ang mga business process outsourcing (BPO) companies sa mga may pinakamaraming job vacancy sa bansa, base sa online job search portal ng pamahalaan. 

Sa pinakahuling datos ng Philjobnet, online job search portal ng pamahalaan, pangunahing kailangan pa rin ang mga call center agent.

Bukod dito, pangatlo sa mga hinahanap ang customer service assistant at pang-10 ang technical support staff na may kinalaman din sa mga BPO companies.

1. Call Center Agent – 6,347 
2. Salesman – 548
3. Customer Service Assistant – 445
4. Staff Nurse – 397
5. Professional Nurse (General) – 396
6. Cashier – 368
7. House Steward – 260
8. Credit/Collection Officer – 250
9. Stall Salesperson – 200
10. Technical Support Staff – 199

Ayon naman sa Bureau of Local Employment, nakapagbigay na ang BPO industry ng higit isang milyong direct employment o trabaho. 

Pero sa kabila nito, tumataas anila ang vacancy sa BPO kahit pa nasa 30,000 ang aktibong jobseekers dahil dumarami rin ang nahihirapang makapasa.

Sinusubukan namang tugunan ang problema sa pamamagitan ng ugnayan ng pamahalaan, BPO industry, at mga educational institution. 

Isa sa mga nakikitang makatutulong nang malaki ang K to 12 program.

Inaasahan namang magtutuloy-tuloy pa rin ang paglago ng BPO industry dahil target pang doblehin ang bilang ng mga empleyado dito hanggang taong 2022.

Payo ng Bureau of Local Employment sa mga naghahanap ng trabaho, huwag maging mapili sa papasukan lalo na kung wala pang experience.

Maging masigasig din anila sa paghahanap ng mga training na makatutulong para mas tumaas ang tsansang matanggap sa mga BPO.

Maaaring itanong kung ano-ano ang libreng training na mayroon ang pamahalaan sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment hotline na 1349.

— Ulat ni Zen Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Business

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*