Home / Sports / ALAMIN: Payo ni Monsour del Rosario sa mga atletang nais magkamit ng ginto

ALAMIN: Payo ni Monsour del Rosario sa mga atletang nais magkamit ng ginto

Malaki ang pag-asa ni Monsour del Rosario na makapag-uuwi ng mga gintong medalya ang taekwondo team ng Pilipinas mula sa Southeast Asian Games ngayong taon. 

Tinataya ng coach at dating Olympian sa nasabing sport na nasa tatlo hanggang apat na medalya ang maaaring maiuwi ng koponan, lalo’t napanood niya ang mga atletang ito na maglaro rin sa nakaraang dalawang SEA Games. 

“Definitely, we will win medals. As far as gold is concerned, I’m just projecting around 3, maximum 4,” ayon sa secretary-general ng Philippine Taekwondo Association. 

Aniya, noong napanood niya ang mga Pinoy fighter noon, lumalamang lamang ng isa o dalawang puntos ang mga kalaban, kung natatalo man ang mga Pinoy. 

“The Filipino fighter can match anybody in Southeast Asia… I saw them lose by a very small margin, like one or two points, so hindi malaki ang margin, hindi lampaso.”

Subalit, dahil matindi ang training na ginagawa ng mga ito ngayon, inaasahang makapag-uuwi ng medalya ang mga ito. 

“They train in the morning and they train in the evening…they go through therapies… sports mental approach to prepare themselves mentally in the competition, something we didn’t have during our time. They have a lot of things to help them prepare for the arena,” aniya.

Target niyang makapag-uwi ang koponan ng mga medalya ng sindami ng nauwi noong nakaraang kompetisyon, o di kaya ay higit pa sana roon. 

Mensahe naman niya para sa mga atletang sasabak sa kompetisyon at nais makakamit ng medalya, gawing mithiin sa pagkapanalo ang takot, at huwag padadaig dito. 

“I know a lot of them get scared, especially when they’re going up to someone better than them, stronger, or maybe the champion,” ani del Rosario. 

“Turn you fear into fire, and when you fight, you must fight with desire. Because nobody can coach desire. if you want that gold medal, go fight for it.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Sports

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*