Home / Entertainment / Alessandra de Rossi, naka-move on na sa mga 'plastic na tao'

Alessandra de Rossi, naka-move on na sa mga 'plastic na tao'

MAYNILA — Naka-move on na si Alessandra de Rossi sa mga "plastic" na tao sa kanyang buhay.

Kasunod ito ng kanyang mga emosyonal na pahayag noon sa "Tonight With Boy Abunda" kung saan inamin niya na umabot sa punto na gusto na niyang talikuran ang kanyang karera sa showbiz dahil sa mga "plastic" na tao sa kanyang paligid.

"Alam mo sa totoo lang, mabait talaga si God. I think #blessed. Charot!" aniya sa panayam ng entertainment press. "I think 'pag may nawawalang tao, may bumabalik, 'yun bang hindi mo na nakakausap before, biglang bumabalik, nawawala."

"Isa lang ang nawala, pero 20 ang bumabalik kaya talagang makaka move-on ka. Talagang bibigyan ka ni God ng destruction para hindi mo na maisip 'yung mga pinagdaanan mo," dagdag pa niya.

Patuloy ni Alex, hindi niya pinagsisihan na nawala sa kanya ang mga taong "plastic" sa kanyang buhay.

"Kasi kung titignan mo, there is a reason kung bakit sila nawala and there is also a reason kung bakit hindi mo sila pinaglaban or kung bakit hindi ka nila pinaglagban," pahayag pa ng aktres.

Sa ngayon, looking forward sa tatlong bagong pelikula para sa 2019 si Alex sa ilalim ng Viva Films.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*