Home / Entertainment / 'Ang Probinsyano': Paloma, magbabalik para harapin si Ella

'Ang Probinsyano': Paloma, magbabalik para harapin si Ella

MANILA — Nakamit ng teleseryeng “Ang Probinsyano” ang all-time high ratings nang ipakilala si Paloma Picache — ang babaeng bersyon ng bidang si Cardo na ginanapan ni Coco Martin.

Si Paloma ang naging susi ni Cardo upang matugis ang isang malaking sindikato na siya ring kumidnap sa kanyang hipag na si Carmen (Bela Padilla).

(READ: ‘Paloma Picache’ is Ms. Perlas ng Pasig 2016)
 

Sa pagpasok ni Paloma, nakakuha ng 45.9 percent na rating sa nationwide audience share ang teleserye. Ito ay base sa datos na inilabas ng Kantar Media.

Nagtagal ng ilang linggo ang pagganap ni Cardo bilang Paloma. Ito ay nagtapos nang kanya nang tuluyang mailigtas si Carmen.

Pitong buwan matapos ang pag-lisan ni Paloma, muli siyang magbabalik upang tapatan si Ella — isang “sextortionist” na ginaganapan ng komedyanteng si Vice Ganda.

(‘Ang Probinsyano’: Meet ‘sextortionist’ Ella)
 

Ito ay inanunsyo ng Dreamscape — ang production company na may hawak sa “Ang Probinsyano” — sa kanilang Instagram account, Martes ng gabi.

Sa paghaharap nang dalawa, muli na naman kayang malalampasan ng top-rating teleserye ang kanilang all-time high ratings?

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*