Home / Lifestyle / Australian national at misis, timbog matapos mameke ng mobile app

Australian national at misis, timbog matapos mameke ng mobile app

Arestado ang isang Australian national at ang kaniyang Pilipinang asawa matapos nila umanong mameke ng mobile phone application na magmo-monitor daw ng mga botante sa eleksyon na ibebenta sa mga pulitiko.

Kinilala ang mga suspek na sina Michael at Teresita Conroy, na inaresto sa isang restoran sa Pasay.

Ayon sa imbestigasyon, inalukan ng mag-asawa na mag-invest ng P300,000 sa app ang mga biktima. 

Nagduda ang mga negosyante dahil hindi raw kapani-paniwala ang P42 milyong kita na makukuha nila kapag nag-invest sila rito. 

“Kung hindi mo sila kilala maniniwala ka na maganda ang software nila,” ayon sa nagreklamo na si Dominic Lancian. 

Pumalag pa ang mga suspek at nagsabing lehitimo ang kanilang negosyo. 

Pero ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nag-iba lamang sila ng modus at may tatlong reklamo nang naisampa sa kanila dati kaugnay sa pagsusuplay ng mga CCTV sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. 

Ikukulong ang mag-asawa dahil sa tatlong kaso ng estafa. 

Hinikayat ng mga awtoridad na lumutang na rin ang iba pang biniktima ng mag-asawang Conroy. 

— Ulat ni Niko Baua, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*