Home / Lifestyle / Bahay ng dating barangay chairman sa Ilocos Norte pinaulanan ng bala

Bahay ng dating barangay chairman sa Ilocos Norte pinaulanan ng bala

Itinuro ng pulis kung saan nahanap ang isa sa apat na basyo ng bala ng kalibre .45 na nakuha sa bahay ng dating barangay chairman sa Ilocos Norte. Larawan mula kay Marvin Agustin

BATAC CITY, Ilocos Norte – Suwerteng walang nasugatan nang paulanan ng bala ng mga hindi pa kilalang salarin ang bahay ng isang dating barangay chairman dito, Huwebes ng madaling araw.

Butas ang magkabilang gate at natamaan din ang bakod ng bahay ni Rodolfo Querol sa Barangay Aglipay.

“Hindi niya namalayan na may putok, akala niya parang nanaginip ‘yung misis niya akala niya kalampag ng kaldero,” sabi ni Police Maj. Emerson Dauz.

Apat na basyo ng bala ng kalibre .45 na baril ang nakuha ng awtoridad mula sa crime scene.

Dalawang linggo bago ang insidente, nakatanggap ng banta sa buhay ang dating kapitan.

Tumangging makipagtulungan ang kapitan kaya nahihirapan ang pulisya sa pagiimbestiga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*