Home / Lifestyle / Barangay kagawad patay sa karambola ng 4 sasakyan sa Camarines Sur

Barangay kagawad patay sa karambola ng 4 sasakyan sa Camarines Sur

PAMPLONA, Camarines Sur—Patay ang isang barangay kagawad sa karambola ng apat na sasakyan sa Barangay Tambo sa bayang ito Sabado ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Raymundo Constantino, 52. Ayon sa kaniyang asawa, may bibilhin lamang sana sa bayan ang biktima nang mangyari ang insidente.

Ayon sa pulisya, kinain ng van na minamaneho ng German na si Volker Michael ang linya ng kasalubong na sasakyan, na tumama sa nakaparadang tricycle at motorsiklo ni Constantino.

” ‘Yung southbound na Toyota Hi-Ace van, nabunggo niya ‘yung Isuzu DMax from the opposite lane. Nabangga din ‘yung tricycle na nakaparada, tinamaan pa ‘yung isang Rusi motorcycle na southbound direction at DOA si Raymundo Constantino,” paliwanag ni Police Senior Master Sergeant Rolando Notado.

Posible umanong nakaidlip ang driver na si Michael kaya nangyari ang insidente.

“Sabi nu’ng asawa niya nabigla na lang daw nakita niya ayun nabangga na. Siguro naka-idlip siya, seconds lang nakaidlip siya. Dahil matulin nabangga niya ‘yung isang sasakyan. Pumasok siya sa kabilang linya,” dagdag ni Notado.

Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to properties si Michael.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*