Home / Lifestyle / Bilang ng nasawi dahil sa 'Ompong,' nasa 25 na

Bilang ng nasawi dahil sa 'Ompong,' nasa 25 na

MAYNILA — Umabot na sa 25 ang bilang ng naiulat na mga nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong sa bansa, sabi nitong Linggo ng mga awtoridad.

"Ito po ay bunga ng landslide, iba't ibang lugar po ito, kalat-kalat po ito. Ang iba po ay aksidente," sabi sa radyo DZMM ni Presidential Adviser on Political Affairs Francis Tolentino.

Si Tolentino ang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na mangasiwa sa disaster coordination para sa Ompong.

Ayon kay Tolentino, pito sa mga nasawi ay mula Benguet, anim sa Mountain Province, anim sa Baguio, apat sa Nueva Vizcaya, isa sa Kalinga, at isa sa Ilocos Sur.

Karamihan umano sa mga pagkamatay ay dulot ng mga landslide o pagguho ng lupa.

"Karamihan po sa landslide ay iyong pagkatapos po ng bagyo. Malambot na po iyong lupa, may mga iba pong nagbalikan sa kanilang bahay, ito po 'yong gumuho dahil nag-loosen na 'yong soil," ani Tolentino.

Wala pa namang naiuulat na nasawi sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan na direktang dinaanan ng bagyo.

Sa huling tala nitong alas-6 ng umaga ng Linggo, may 133,457 katao ang nananatili sa mga evacuation center habang 14,826 naman ang lumikas sa mga bahay ng kanilang mga kaanak.

Nasa 250,036 ang kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng bagyo, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Alas-9 ng gabi noong Sabado nang makalabas sa Philippine area of responsibility si Ompong, na sa ngayon ay itinuturing bilang pinakamalakas na bagyong tumama sa bansa nitong taon.

Ibinaba na rin nitong Linggo ang lahat ng storm signal at inaasahang bubuti ang lagay ng panahon sa bansa simula Lunes, ayon sa state weather bureau na PAGASA.

Inaasahan namang bibistahin ni Duterte ang mga lugar na tinamaan ng bayo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*