Home / Lifestyle / Binatilyo nakuhanan ng baril sa Makati

Binatilyo nakuhanan ng baril sa Makati

MAYNILA – Arestado ang isang 17 anyos na lalaki matapos makuhanan ng baril sa Barangay Palanan, Makati City Huwebes ng gabi.

Nagpaputok ang suspek laban sa isang panadero dahil umano sa masamang tinginan.

Kuwento ng panadero, nakatambay siya sa harap ng kanilang tindahan nang dumaan ang binatilyo.

Bumalik ang suspek na may dala nang baril at nagtanong kung bakit umano siya tinitingnan nang masama.

Nagpambuno ang 2 nang ikasa ng suspek ang baril. Nadaplisan ang pisngi ng isang padyak driver nang maputok ang baril sa agawan.

Kinuyog ang suspek at nakuha sa kaniya ang Glock 17 na baril.

Kuwento ng binatilyo, binili niya ang baril sa halagang P5,000. Binenta umano ito sa kaniya ng kaibigang nangangailangan ng pera.

Aminado siyang may personal na pinagdadaanan kaya minasama ang pagtingin ng panadero. Tatakutin lang umano sana niya ito gamit ang baril.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City police, posibleng nakaw ang baril na nasa P40,000 ang orihinal na halaga. Ipapasilip nila ang orihinal na may-ari batay sa serial number. 

Posibleng mahaharap sa mga kasong frustrated murder at possession of illegal firearms and ammunition in relation to Omnibus Election Code ang binatilyo. – Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*