Home / Entertainment / Eddie Garcia, nakaranas umano ng hypotension

Eddie Garcia, nakaranas umano ng hypotension

MANILA — Bumaba nitong Huwebes ang blood pressure ng beteranong aktor na si Eddie Garcia, ayon sa tagapagsalita ng pamilya na si Dr. Tony Rebosa.

Ang kondisyon na ito ay tinatawag na hypotension.

Bago maghatinggabi ay bumalik sa normal ang blood pressure ni Garcia.

Gayunpaman, kritikal pa rin ang lagay ng aktor at nakakabit pa rin sa kanyang life support dahil hirap siya sa paghinga.

Isa sa mga bumisita noong Huwebes sa ospital si Senator Grace Poe, na sinariwa ang pinagsamahan ni Manoy at ng kanyang namayapang ama na si Fernando Poe Jr.

Patuloy ang paghingi ng pamilya ng panalangin sa publiko para sa agarang paggaling ng beteranong aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*