Home / Lifestyle / Enforcer na muntik makasagasa ng pedestrian, no-show sa opisina

Enforcer na muntik makasagasa ng pedestrian, no-show sa opisina

DAVAO CITY – Tukoy na ng City Transport and Traffic Management Office (CTTMO) ang enforcer na nakunan ng dashcam video na nag-overtake at muntik nang makabangga ng pedestrian sa Leon Garcia Street nitong Lunes.

Ayon kay CTTMO head Dionisio Abude, hinihingan niya ng paliwanag ang enforcer pero umuwi umano ito sa kanilang probinsiya sa Caraga.

Napag-alamang bago pa lang sa serbisyo ang traffic enforcer na posibleng masuspinde ng isang buwan kung babalik sa trabaho.

Hindi rin daw matanggap ni Abude ang umano'y rason ng enforcer na nagmamadali siya dahil parte siya ng Special Operation Team ng CTTMO.

Kada Sabado, pinupulong ni Abude ang kaniyang mga traffic enforcer para paalalahanan sa kanilang trabaho at pagsunod sa batas trapiko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*