Home / Lifestyle / ‘Epektibong mensahe susi sa pagkontra sa pagkalat ng HIV’

‘Epektibong mensahe susi sa pagkontra sa pagkalat ng HIV’

Patuloy ang pagdami ng mga nagpopositibo sa human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa sa unang tatlong buwan pa lamang ng 2019.

Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH), pumalo sa 3,434 ang mga Pinoy na nagpositibo sa HIV mula Enero hanggang Marso. Karamihan sa mga nagpositibo, nakuha ang virus dahil sa pakikipagtalik.

Noong Marso, 61 porsiyento ng mga nagpositibo ay mga lalaking nakipagtalik sa kapwa lalaki, 24 porsiyento ang nakipagtalik sa parehong babae at lalaki, 13 porsiyento ang nakipagtalik sa opposite sex, at 1 porsiyento naman ay dahil sa pagturok ng karayom na kontaminado ng HIV.
    
Ayon sa DOH, malaki ang nagagawa ng pagpapaalala ng kahalagahan ng safe sex para mapigilan ang pagkalat ng naturang virus, partikular na sa mga kabataan.

“Talagang kailangan pa rin paigtingin siguro ‘yung pagpapaalala sa ating mga kababayan lalo na ‘yung mga kabataan kasi ito ‘yung pinakamalaking group na nakikita natin,” ani DOH Undersecretary Eric Domingo.

Maraming organisasyon ang gustong magpalaganap ng kaalaman tungkol sa HIV.

Pero ayon sa World Health Organization (WHO), baka kailangang tiNgnan kung epektibo pa ba ang mensaheng kanilang ipinapalabas.

“It’s all about the messaging. There’s a lot of messaging. But are we doing the strategic thing? Are we really reaching the people most vulnerable? Because we should reinvent and be more strategic to improve the reach,” sabi ni Leila Coppens, HIV technical officer ng WHO Philippines.

Ayon sa Project Red Ribbon, panahon na para magkaroon ng mukha ang mga HIV positive sa labas ng lesbian, gay, bisexual, transgender and queer (LGBTQ) community.

“They always think HIV ay for LGBT dahil ang messaging ay for MSM (men who have sex with men), so kung sino ang nari-reach sila ang magpapa-test. Messaging has to be something relatable. Dapat hindi nananakot,” sabi ni Billy Santo, HIV ambassador ng Project Red Ribbon.

Paliwanag ni Santo, posibleng dahil marami na ang mulat tungkol sa HIV kaya marami na ang nagpapa-test at marami na rin ang nada-diagnose.
    
Pero puwede naman itong maiwasan kung magiging maayos at mas epektibo ang impormasyon na ipaaabot sa publiko tungkol sa HIV.     
    
—Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*