Home / Sports / FIBA World Cup: Kai Sotto sa final 12 ng Gilas? ‘Baka gulatin tayo’

FIBA World Cup: Kai Sotto sa final 12 ng Gilas? ‘Baka gulatin tayo’

Matagal nang nagpakita ng interes si head coach Yeng Guiao na isama si Kai Sotto sa binubuo niyang team na sasabak sa kasalukuyang 2019 FIBA World Cup qualifiers. File/Larawan mula sa FIBA.com

Matagal nang nagpakita ng interes si head coach Yeng Guiao na isama si Kai Sotto sa binubuo niyang team na sasabak sa kasalukuyang 2019 FIBA World Cup qualifiers.

Kaya isinali ni Guiao ang pangalan ng 7-foot-2 na teenage sentro sa 20-man pool para sa mga larong gaganapin sa Nobyembre 30 at Disyembre 3 sa Mall of Asia Arena.

Ayon kay coach, pagkakataon ito para masukat agad ang husay ni Sotto kalaban ang kaniyang mga kuya.

"I think Kai is our future, and we're just trying to make use of the opportunity for him to be developed and be able to upgrade the competition he's been playing in kasi dominado niya masyado 'yung high school, dominado niya rin 'yung under-18, so now maybe it's time for him to try the big boys," pahayag ni Guiao.

Kung no match ang mga nakakalaro niya sa kaniyang age bracket, sa national team naman, makakaharap ni Sotto ang mga big man na batak na sa kompetisyon tulad nina 6-foot-8 Christian Standhardinger, 6-foot-9 Japeth Aguilar, 6-foot-10 June Mar Fajardo, at 7-footer na si Greg Slaughter.

Sa unang tingin, mukhang malabong umabot si Sotto sa final roster cut ni Guiao, pero ayaw magsalita ng tapos si coach.

"With Kai kasi, we have nothing to lose (and) we have everything to gain," ani Guiao.

"I'd like to see him play against the big boys and be able to accelerate his development. Who knows? Baka gulatin tao, baka makakuha siya ng spot sa top 12."

Para sa iba pang balitang pampalakasan, bisitahin ang ABS-CBN Sports website.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*