Home / Lifestyle / Fool’s gold? Umano’y gold bar narekober sa Iloilo

Fool’s gold? Umano’y gold bar narekober sa Iloilo

Nakuha ang isang pinaniniwalaang gold bar mula sa 2 katao sa Mina, Iloilo nitong Biyernes. Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Narekober ang isa umanong gold bar mula sa 2 indibidwal sa ikinasang entrapment operation sa bayan ng Mina, Iloilo nitong Biyernes ng hapon.

Ayon kay Police Lt.Col. Anthony Gantang, nagsumbong sa kanila ang isang grupo ng mga negosyante na nagdududa umano sa mga nagbebenta dahil hindi ipinapakita ang ginto.

Siningil ng mga suspek ang mga negosyante ng P140 milyon noong una. Kalaunan ay ibinaba ito sa P70 milyon.

Narekober sa isang babae at lalaki ang hinihinalang gold bar na may bigat na higit 70 kilo at sukat na 14x14x16 inches.

Nakuhanan din ang lalaki ng kalibre .45 pistol. 

Dagdag ni Gantang, nagpatupad ang pulisya ng search warrant sa bahay ng lalaki noong Huwebes dahil sa pagtatago ng baril pero wala ito sa kaniyang bahay.

Ipasusuri ng CIDG sa eksperto ang nakuhang gold bar upang malaman kung totoo o peke ito. –Ulat ni Joyce Clavecillas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*