Home / Entertainment / Gary Valenciano, ready na muling mag-concert

Gary Valenciano, ready na muling mag-concert

MAYNILA — Full of energy na muli ngayon ang singer-performer na si Gary Valenciano na handa na sa kanyang pagbabalik-concert ngayong Sabado.

Ito ang unang sabak ni Gary V sa concert matapos ang mga pinagdaanan na open heart surgery at kidney cancer.

"Ito na tuloy na tuloy na. Actually naumpisahan na namin ito before my surgery, pero this time, imbis na magpunta lang ako sa mga universities para mag-perform, ang gusto ko sana gawin this time ay makilala ko pa 'yung mga estudyante," pahayag ni Gary sa ABS-CBN news.

Kuwento pa ni Gary, una pa lang ito sa marami pang mga pamantasan na kanilang lilibutin bilang bahagi ng kanyang 35th anibersaryo sa showbiz.

"Iba ang magiging tour na 'to na kada concert is specifically designed and conceptualized for the universities na pupuntahan ko. Uumpisahan natin dito sa Luzon and target natin ang major campuses in Visayas and Mindanao," sabi pa niya.

Nakabawi man ang kanyang katawan sa mga pinagdaanan na operasyon, patuloy pa rin sa pag-iingat si Gary para kanyang kalusugan.

"Nakabalik na ako sa pag-bike as part of my exercise kaya lagi na uli may bike sa sasakyan ko as part of my excercise for my heart. And siyempre sumusunod pa rin tayo sa mga advise ng ating mga doctors na nag aalaga sa atin," aniya.

Sa darating na Oktubre 13, mapapanood si Gary sa Xavier Sports Center sa Greenhills, San Juan kasama ang kanyang special guest na si Kiana Valenciano.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*