Home / Entertainment / Gerald Santos, nag-shoot ng music video sa UAE

Gerald Santos, nag-shoot ng music video sa UAE

DUBAI, UAE – Isa ang United Arab Emirates (UAE) sa napiling destinasyon ng international singer at Miss Saigon actor na si Gerald Santos para sa una niyang music video.
 
Ang kantang “I am Yours” ang unang single sa kanyang first album sa ilalim ng Star Music.

Kumuha sila ng ilang shots sa Dubai Fountain at Zabeel Park, sa disyerto at sa ikalawang pinakamataas na bundok sa UAE, ang Jebel Hafeet sa Al Ain, Abu Dhabi.

“Itong song na ito entitled ‘I Am Yours’ composed by Kiko Salazar, napakaganda, napaka-romantic, sobrang classic,” sabi ni Santos.

Kasama rin sa music video ang shoot nila sa London, Scotland at Edinburgh.

Ngayong nakabalik na ng UK si Santos, tuloy muli ang kanyang pag-arte sa teatro sa Miss Saigon UK Tour bilang si “Thuy”.

Nagsimula si Santos sa Miss Saigon noong 2017 pero hindi madali ang mga pinagdaanan niya sa worldwide talent search para sa hit musical.

“Nung nag-audition ay nagkaroon ng four stages, sobrang dadaan ka sa butas ng karayom, sobrang strikto nila,” pahayag niya.

Nakaka-200 performances na si Santos bilang Thuy at nalibot na ang iba-ibang lugar tulad ng Birmingham, Dublin, Southampton, Manchester, Leicester, at Cardiff. 

Sa Disyembre naman ay tutulak din sila sa Switzerland.

“I’m living the dream right now… Sobrang I couldn’t help but talagang magpasalamat sa Diyos sa biyayang ito na ibinigay niya sa akin dahil hindi po biro talaga. Ayun, talagang I will keep on waving yung ating bandila sa ibang bansa. Ipapakita natin kung gaano kagaling ang mga Pilipino, world-class talaga,” sabi niya. 

Sa Marso nakatakdang i-release ang kanyang music video.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*