Home / Lifestyle / 'Holdaper', patay sa engkuwentro sa Caloocan

'Holdaper', patay sa engkuwentro sa Caloocan

MAYNILA – Patay ang isang hinihinalang holdaper sa engkuwentro ng mga pulis sa Barangay 8, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Anthony Garcia, 30 anyos, nasa drugs watch list ng Barangay 12, Caloocan City.

Ayon sa pulisya, nagsasagawa ng surveillance ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang humingi ng tulong ang isang babae matapos holdapin.

Tinangay umano ng suspek ang kaniyang bag na may lamang pera at alahas.

Nang matunton ng mga pulis si Garcia, nagpaputok umano ito. Gumanti ng putok ang mga pulis at tinamaan ang suspek na ikinasawi nito.

Narekober sa kaniya ang bag ng biktima at isang kalibre .38 na baril. – ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*