Home / Lifestyle / Hustisya panawagan ng pamilya ng pinaslang na babae sa CamSur

Hustisya panawagan ng pamilya ng pinaslang na babae sa CamSur

May person of interest na ang awtoridad na posibleng may kinalaman sa pagpatay sa biktimang si Maria Cristina Guia sa Barangay Cayogcog sa bayan ng Balatan, Camarines Sur.

BALATAN, Camarines Sur – Hustisya ang panawagan ng pamilya ng 29 anyos na babaeng natagpuang patay dito sa bayan, Martes ng gabi.

Walang saplot, duguan at halos hindi na makilala nang matagpuan ang mga labi ni Maria Cristina Guia malapit sa bangin sa Barangay Cayogcog sa nasabing bayan.

Sa awtopsiya, matigas na bagay ang ipinukpok sa ulo, mukha at tiyan ng biktima. Nag-negatibo sa eksaminasyon ang inakalang ginahasang biktima.

Isang residente sa barangay ang tinitingnan kung may kinalaman sa pamamaslang pero hindi muna siya pinangalanan ng awtoridad. Sa oras na matapos ang imbestigasyon ay maghahain na ng kasong homicide ang awtoridad laban dito.

Ayon sa kaanak ng biktima, plano na sana nitong pakasalan ang kaniyang live-in partner sa susunod na taon.

Naulila ng biktima ang kaniyang tatlong anak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*