Home / Lifestyle / Ika-117 anibersaryo ng Balangiga Massacre, ginunita sa Eastern Samar

Ika-117 anibersaryo ng Balangiga Massacre, ginunita sa Eastern Samar

BALANGIGA, Eastern Samar—Ginunita ng bayang ito ang ika-117 anibersaryo ng Balangiga Massacre Biyernes.

Naging highlight ng komemorasyon ang wreath-laying ceremony at dance drama.

Pinangunahan ni Eastern Samar Representative Ben Evardone ang seremonya na dinaluhan ng mga residente.

Ayon naman kay Municipal Tourism Officer Fe Campanero, malaking bagay hindi lamang para sa mga taga-Balangiga, kundi para sa lahat ng mga Pilipino, kung matutuloy ang pagbalik sa tatlong Balangiga bells.

Dalawa sa mga kampana ay nasa pangangalaga pa rin ng Francis E. Warren Air Force Base sa Wyoming, habang ang isa namang kampana ay nasa Camp Red Cloud sa South Korea.

Ang nasabing mga kampana ang ginamit na senyales ng pagsalakay ng mga gerilya sa pangunguna ni Kapitan Valeriano Abanador laban sa ilang mapang-aping sundalong Amerikano.

Noong 2017, bumisita si Pangulong Rodrigod Duterte para sa Balangiga Encounter Day, kung saan iminungkahi muli ng pangulo sa Amerika na ibalik sa bansa ang mga kampana.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*