Home / Business / Ilan pang oil firms nag-abiso ng taas-presyo sa petrolyo

Ilan pang oil firms nag-abiso ng taas-presyo sa petrolyo

Ilan pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo ng taas-presyo sa petrolyo, na ipatutupad sa Martes, Abril 16.

Ayon sa SEAOIL at PTT Philippines, P1.05 ang taas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.75 naman sa kada litro ng diesel.

Tataasan din ng SEAOIL ng P0.60 ang kada litro ng kerosene.

Naunang mag-anunsiyo noong Linggo ang Shell at Petro Gazz ng P1.05 taas-presyo sa gasolina at P0.75 taas-presyo sa diesel.

Magpapatupad din ang Shell ng P0.60 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga.

— May ulat nina Alvin Elchico at Jacque Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*