Home / Lifestyle / Isko Moreno, ipapatigil ang towing sa Maynila

Isko Moreno, ipapatigil ang towing sa Maynila

MANILA – Ipapatigil na ni Manila Mayor-elect Isko Moreno ang towing sa lungsod upang mabawasan ang pangingikil ng ilang opisyal ng pamahalaan.

Ang paghatak ng mga nakabalandra o naka-park na mga sasakyan sa mga ilegal na lugar ang isa sa pinagmumulan ng “pang-aabuso” sa lungsod, ani Moreno sa isang panayam sa Umagang Kay Ganda, Biyernes.

“Ia-abolish ko po ang towing kasi doon may pang-aabuso,” sabi niya.

“Maganda ang konsepto ng towing kasi disiplina ‘yun e. [Pero] Para magkaroon ng kapanatagan ang tao, aalisin ko ‘yung isang puwedeng abusuhin na enforcement form,” dagdag niya.

Hindi nabanggit ni Moreno kung anong sistema ang ipapalit dito upang maalis ang mga nakabalandrang sasakyan sa mga kalye, ngunit nakiusap ang bagong alkalde sa mga Manileño na magkusa na sa pagsunod sa mga batas trapiko.

“Pasuyo lang, kusang loob na disiplina,” aniya.

Nanawagan din si Moreno sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan na ihinto na ang pamumulitika sa pagpasok ng bagong liderato. 

“‘Yung panawagan ko sa mga tao, magbati-bati na kayo,” sabi ni Moreno.

“I don’t want to lead a divided city because at the end of the day, tayo-tayo din magkikita sa finals e,” sabi niya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*