Home / Entertainment / Janella Salvador, mas mabuti na ang relasyon sa inang si Janine Desiderio

Janella Salvador, mas mabuti na ang relasyon sa inang si Janine Desiderio

MAYNILA — Mas mabuti at mas maganda na daw ngayon ang relasyon ng Kapamilya star na si Janella Salvador sa kanyang ina na si Janine Desiderio.

Sa panayam ni Janella sa “Magandang Buhay” nitong Lunes, masayang ibinahagi ng Kapamilya star ang panunumbalik ng magandang relasyon nila ng kanyang ina.

“With my mom, we’re actually a lot better now. A lot better,” tugon ni Janella sa “Magandang Buhay” host.

Matatandaan na naging laman ng mga balita ang love-hate relationship ng mag-ina.

Kuwento ni Janella, napag-usapan na nila ng ina ang mga hindi nila pagkakaintindihan noon.

“We’ve resolved some things, we talked about things, nag-apologize ako, nag-apologize siya, pati siya… Actually when that happened recently, naiyak talaga ako kasi hindi ko in-expect na out of nowhere na lang she apologize din for the things she did,” aniya.

At sa kanilang muling pag-uusap ng kanyang ina, ramdam ni Janella ang malaking pagbabago sa kilang relasyon ngayon bilang isang pamilya.

“Ever since parang ang laki ng weight na nawala sa akin, kasi it’s a milestone e. Kasi ang tagal din namin na hindi naging like super okay. So now parang nasa ibang stage na kami ng mom ko na nagkakaintindihan na kami, I’m trying to tell her everything, ina-update ko siya sa life ko tapos, mas understanding na siya ngayon,” sabi pa ng aktres.

“Parang kung may mangyari then I made a mistake, mas magiging understanding na siya ngayon,” aniya.

Dahil sa mas malalim na pagkakaintindihan nila ngayon ng ina, masasabi din ni Janella na tila isang kaibigan na sa kanya ngayon sa kanya si Janine. “I think it starting to become that way na.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*