Home / Entertainment / Joanna Ampil, bibida sa Valentine's Day concert

Joanna Ampil, bibida sa Valentine's Day concert

MANILA — Isang concert ang gagawin ng award-winning theater actress si Joanna Ampil para sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-25 taon sa industriya.

Sa “Umagang Kay Ganda (UKG)” nitong Martes, ibinahagi ni Joanna na magaganap ang kanyang concert na “Love Wins” sa BGC Arts Center sa Pebrero 14.

“Mayroon po akong tatlong hunks na kasama — sina Mark Bautista, Joaquin Valdes at Arman Ferrer,” dagdag ni Joanna.

Pagkatapos ng kanyang concert, magtutungo naman si Joanna sa London upang maghanda para sa pagtatanghal ng musikal na “Cats” sa China.

“‘Yung ‘Cats’ po kasi right now international tour kami. We just did Europe and Middle East last year. Itong year na ito, sa Asia naman po,” ani Joanna.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*