Home / Lifestyle / Job fair, ikinasa ng DOLE sa Bacolod City

Job fair, ikinasa ng DOLE sa Bacolod City

Dinagsa ng mga aplikanteng Negrenses ang isang araw na job fair ng Department of Labor and Employment sa Bacolod City. Mitch Lipa, ABS-CBN News

BACOLOD CITY – Libu-libong lokal at pang–abroad na trabaho ang naghihintay sa mga Negrenses sa pagbubukas ng 2019 Kabuhayan Job Fair sa isang mall sa lungsod, Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay DOLE Region VI Regional Director Cyri Ticao, higit sa 7,000 trabaho ang maaaring makuha ng may 1,000 lumahok na aplikante. Ang mga trabaho ay mula sa 26 local at walong overseas employers na sumali sa job fair.

Malaki naman ang demand sa hotel and restaurant at construction companies dahil sa may construction boom sa lungsod.

May 500 job applicants ang naka pre-register at unang nakapasok sa job fair area.

Inaasahan ng DOLE Region 6 na marami ang ma-hire on-the-spot dahil mas marami ang job vacancies kaysa sa mga aplikante na dumalo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*