Home / Entertainment / Jodi, may sagot sa mga pumuna sa kaniyang pangangatawan

Jodi, may sagot sa mga pumuna sa kaniyang pangangatawan

Iginiit ng aktres na si Jodi Sta. Maria na nasa mabuting kalagayan ang kaniyang pangangatawan sa kabila ng mga pamumuna sa kaniyang pagiging umano ay sobrang payat.

"Just because a person is thin doesn't mean that he or she is anorexic or it doesn't mean na pag mas medyo may weight siya, obese," sabi ng aktres sa isang media conference nitong Miyerkoles.

Bumuhos kasi ang mga komento sa Instagram post kamakailan ng "Sana Dalawa Ang Puso" star, tampok ang retrato niya sa Bahamas na kapansin-pansin ang kaniyang ang "thin" body.

May ilang pumuri na isa siyang "sexy mom" pero hindi naiwasan ang pagtatanong ng iba kung maayos ba ang pangangatawan ni Sta. Maria o kung mayroon ba siyang sakit.

Ayon pa kay Sta. Maria, mayroon siyang diet plan at maayos ang kaniyang pakiramdam sa edad na 36.

"I have done adjustments with my diet. Meaning kung ano iyong kinakain everyday, it's more on really fruits and veggies," aniya.

— Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Entertainment

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*