Home / Entertainment / K Brosas, sumabak sa kakaibang singing challenge sa ‘GGV’

K Brosas, sumabak sa kakaibang singing challenge sa ‘GGV’

MAYNILA — Katulad ng mga singer na nauna nang sumabak sa singing challenge sa “Gandang Gabi Vice,” pinatunayan rin ng singer na si K Brosas ang kaniyang galing sa pag-awit.

Para sa kaniyang unang challenge, kinanta ni K ang “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” ni Lani Misalucha habang nakahiga sa kumot at iwinawasiwas.

Sa ikalawang challenge, nagtagumpay naman si K na kantahin ang “Hit Me Baby One More Time” ni Britney Spears habang nasa isang platform at iniiwasan ang dalawang punching bag na itinutulak papunta sa kaniya.

Sa ikatlong challenge naman, kinanta ni K ang “Bakit Pa” ni Jessa Zaragoza habang nakasabit sa harness.

Kapalit ng kaniyang pagtatagumpay sa mga challenge, isang miyembro ng studio audience ang nakatanggap ng premyo.

Makakasama ni K si Angeline Quinto sa isang concert sa July 12 sa Araneta Coliseum.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*