Home / Lifestyle / Kandidato sa pagka-alkalde sa Bohol, nakaligtas sa pananambang

Kandidato sa pagka-alkalde sa Bohol, nakaligtas sa pananambang

Photo courtesy of the Commission on Elections

Nakaligtas sa pananambang ang isang kandidato sa pagka-alkalde sa bayan ng Buenavista sa Bohol Lunes ng hapon.

Nakasakay sa kaniyang sasakyan si Rico Cabarrubias at ang kaniyang drayber nang mangyari ang insidente.

Binabaybay nila ang kahabaan ng kalsada sa Barangay Tulang sa bayan ng Getafe nang pagbabarilin sila ng hindi pa kilalang mga salarin.

Nakaligtas si Cabarrubias ngunit nasawi ang kaniyang drayber.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. – ulat mula kay Annie Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*