Home / Entertainment / Kapamilya stars hataw sa ‘Chuva Choo Choo’ dance challenge

Kapamilya stars hataw sa ‘Chuva Choo Choo’ dance challenge

Dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang mauso ang dance craze na “Chuva Choo Choo,” na hango mula sa kanta nina Jolina Magdangal at Nikki Valdez.

Ayon kay Magdangal, nagmula ang dance craze sa isang eksena nila ni Valdez sa pelikulang “Hey Babe.”

“May eksena doon na parang sinasabi ko sa kaniya (Valdez), kinikilig ako sa isang tao,” sabi ni Magdangal sa panayam ng “ASAP Natin ‘To.”

“Tapos sabi niya basta ‘yong feeling daw na parang tumitibok-tibok ‘yong puso, ang ibig non sabihin ay Chuva Choo Choo.”

Sa pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng “Chuva Choo Choo” ngayong taon, nag-post si Magdangal kamakailan sa kaniyang Instagram account ng video ng sayaw.

Hinamon din niya si Valdez, ang dating katambal na si Marvin Agustin, at ang kaniyang followers sa “Chuva Choo Choo” dance challenge.

Hindi naman inurungan ng Kapamilya stars sa “ASAP” ang paghataw sa sayaw na pinauso ni “Momshie Jolens.”

Kabilang sa mga tumanggap ng hamon ng “Chuva Choo Choo” dance sina Iñigo Pascual, Maris Racal, Maymay Entrata, Edward Barber, CK Manalad, Vivoree Esclito, Julia Barretto, Joshua Garcia, Sarah Geronimo, at Regine Velasquez.    

Kasama rin ng Kapamilya stars sina Micaela Ocampo at Johnel Brioso, isang dancing couple mula Cavite City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*