Home / Entertainment / Karla Estrada, inaming single na siyang muli

Karla Estrada, inaming single na siyang muli

MANILA — Inamin ng aktres at "Magandang Buhay" host na si Karla Estrada na single na siyang muli.

Naging bukas si Karla sa estado ng kanyang puso sa surprise road trip na ibinigay sa kanya ng mga anak, kabilang na ang aktor na si Daniel Padilla, para sa kanyang ika-44 kaarawan ngayong Nobyembre 21.

Ito ay matapos ang sunod-sunod na mga tanong ng anak niyang si Magui. 

"True," ang tugon ni Karla nang matanong kung tama ba o mali na siya ay single ngayon.
 
Ito rin ang sagot niya sa tanong kung siya ay "single but not ready to mingle."

Ayon kay Karla, hindi naman totoo na nakalimutan na niya ang dating nobyo.
 
"False, napakaano naman, ang bilis naman makalimot [kung ganun]," paliwanag niya.

Nang pinapili sa pagitan ng "hold on" o "let go," sagot ni Karla: "It depends."

Matatandaang 2014 noong huling nagbahagi sa publiko si Karla tungkol sa kanyang buhay pag-ibig at relasyon kay Mark Yatco, na nakilala niya sa kaarawan ng isa sa kanyang mga kaibigan.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*