Home / Lifestyle / Konsehal na protektor umano ng mga sindikato ng droga timbog sa Lanao del Sur

Konsehal na protektor umano ng mga sindikato ng droga timbog sa Lanao del Sur

Screengrab

BALABAGAN, Lanao del Sur – Arestado Miyerkoles ang isang konsehal sa bayang ito na inaakusahang tagapondo at protektor ng mga sindikato ng droga sa lugar. 

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa rehiyon, nasa 50 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa bahay ni Konsehal Abedin Disalongan.

Hinalughog nila ang bahay ng opisyal alas-5 ng madaling araw sa bisa ng search warrant mula sa korte. Tinatayang P340,000 ang halaga ng nakuhang droga sa kaniya.

Bukod sa droga, nakakuha rin ang pulisya mula sa sasakyan ni Disalongan ng isang M16 rifle at dalawang 9mm na pistola.

Screengrab

Ayon kay Juvenal Azurin, direktor ng PDEA sa rehiyon, isang taon nang under surveillance ang 37-anyos na opisyal dahil napabilang siya sa kanilang listahan ng mga "high value target."

"Nasa category po ito ng distributor, financier at protector itong si Abedin Disalongan," ani Azurin.

Nang tanungin naman ang opisyal sa akusasyon laban sa kaniya, ang sabi niya: "No comment ako diyan."

Sasampahan ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunition ang konsehal.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*