Home / Sports / Konstruksyon ng pasilidad para sa SEA Games, ginarantiyang tapos sa Agosto

Konstruksyon ng pasilidad para sa SEA Games, ginarantiyang tapos sa Agosto

Paliwanag ng Bases Conversion and Development Authority CEO, nasa “85 to 88%” na ang natatapos na ipatayong pasilidad para sa SEA Games. Handout

Ginarantiya ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na matatapos ngayong Agosto ang lahat ng pasilidad para 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa Nobyembre.

Nasa 15-month construction na ang mga pasilisad sa Phase 1A ng New Clark City sa Capas, Tarlac.

Nasa 90 porsiyento na ang konstruksyon ng 20,000-seater athletics stadium, habang patapos na rin ang 2,000-seater Aquatics Center, Athletes’ Village, at ang national government administrative center.

“Right now I think we are at 85 to 88% now, after all the sturdy one ang gagawin na lang dito ay lilinisin na lang ’yung area at aayusin na lang ’yung landscape,” ani BCDA president at CEO Vince Dizon.

Dagdag niya, isasapribado ang pamamahala sa pasilidad matapos ang SEA Games.

“The only way to do that in the long term is to privatize the maintenance and operations of all the facilities but still can be used by our athletes,” aniya.

Paliwanag ng Bases Conversion and Development Authority CEO, nasa “85 to 88%” na ang natatapos na ipatayong pasilidad para sa SEA Games. Handout

Magaganap ang pagbubukas ng SEA Games sa Nobyembre 30 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Ang closing remarks naman ay magaganap sa athletics stadium ng New Clark City sa Disyembre 11.

Huling nag-host ng SEA Games ang Pilipinas noong 2005. — Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*