Home / Lifestyle / Laborer, nahulihan ng higit sa P480,000 ng droga

Laborer, nahulihan ng higit sa P480,000 ng droga

Mula sa isang inmate sa Davao City Jail umano kumukuha ng supply ng shabu ang arestadong suspek. Cheche Diabordo, ABS-CBN News

DAVAO CITY – Dinakip ng mga awtoridad ang isang laborer matapos na makuhanan ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Davao-Bukidnon highway sa Calinan, Huwebes ng umaga.

Nakuha sa 28-anyos na suspek ang limang medium size na sachet ng hinihinalang shabu na nasa P480,000 ang halaga.

"Sa imbestigasyon na isinagawa, nalaman natin na isang inmate sa Davao City Jail ang kinukunan o supplier nitong suspek," ayon kay Police Lieutenant Colonel Noel Asumen.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*