Home / Lifestyle / Lalaki nakuhanan ng P100,000 halaga ng marijuana sa Makati

Lalaki nakuhanan ng P100,000 halaga ng marijuana sa Makati

MAYNILA—Arestado ang isang 21 anyos na lalaki sa buy-bust operation sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City Lunes ng gabi.

Nasamsam kay alyas Asiong ang nasa P100,000 halaga ng hinihinalang marijuana at isang kalibre .22 na revolver.

Ayon kay Police Lt. Col. Louise Benjie Tremor, hepe ng Kamuning Police Station, halos isang linggong sinikap makatransaksiyon ng mga pulis ang suspek.

Sa mga online group chat umano nagbebenta ng marijuana si Asiong na taga-Pateros. 

Itinanggi ng suspek na nagtutulak siya ng marijuana pero inaming gumagamit nito.

Kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kahaharapin ni Asiong.—Ulat ni Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*