Home / Lifestyle / Lalaki nanaksak umano ng bata dahil sa 5 piso

Lalaki nanaksak umano ng bata dahil sa 5 piso

Arestado ang isang lalaki matapos umanong manaksak ng isang menor de edad na kumuha sa kanyang 5 piso sa Taal, Batangas nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek bilang si William Anorico, 23, na umano’y nanaksak ng isang 11 anyos sa isang “piso net” computer shop sa Barangay Cultihan.

“Hindi pagkakaunawaan…kasi nalaglag yung limang piso ng suspek na napulot noong ano, nagalit na agad. Kumuha ng kutsilyo at sinaksak yung bata,” ani police Sr. Insp. Ricaredo Dalisay, hepe ng Taal Police.

Nagtamo ng sugat sa braso at tiyan ang biktima. Agad namang nasakote ng pulisya si Anorico.

Inamin naman ng suspek ang kanyang ginawa.

“Sa maliit na halaga, nagkaroon ako ng masamang nagawa, nakasaksak ako ng bata, kaya pinagsisihan ko naman po ang nangyayari. Sorry po sa nangyari. Patawad na lang ho,” ani Anorico.

Tumanggi namang magbigay ng panayam ang pamilya ng biktima pero sinabing desidido silang sampahan ng kaso ang suspek.

Nakakulong si Anorico sa Taal Custodial Facility at nahaharap sa kasong child abuse.

Agad din namang nakalabas sa ospital ang biktima at nagpapagaling ngayon sa kanilang tahanan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.

Let’s block ads! (Why?)

Nation

About

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*